lang ang natira sa kanya. Inilaan niya ito para sa gagawin niyang paghahanap ng panibagong trabahong mapagkakakitaan.
“Palagi ka namang nagbabayad ng upa mo on time sa akin, Zandro,” sabi ng matandang babae kay Xandro. “Saka, kaya lang naman kita ginising ay para pasalamatan ka sa ginawa mong paghuli sa mga magnanakaw na pumasok sa aking tindahan. Aalis ako para mamili ng mga paninda at gusto lang kitang mapasalamatan bago ako makaalis. Bayaran mo na lang ang upa kung may pera ka na uli. At batid kong makakahanap ka kaagad ng panibagong trabaho, Xandro. Palagi naman eh.” At matapos nga siyang mapasalamatan ni Aling Leonora ay nagmadali agad itong umalis ng bahay para mamili ng paninda para sa maliit na tindahan nito. Ang lahat