pasensya na po pero hindi ko pa rin po kayo mababayaran ng renta sa araw na ito,” pagtatapat niya at humingi ng paumanhin. Si Xandro ay nagtrabaho bilang isang waiter sa isang malaking restaurant. Subalit ang may-ari ng restaurant kasama ang kanyang buong pamilya ay nagpasyang isara na ito sa kadahilang sila ay mangingibang-bansa na papuntang Canada. Natanggap niya ang kanyang separation pay subalit ipinahiram niya sa isa niyang kasamang waiter para sa pagpapa-hospital ng asawa nito. Kaya kakaunting pera na