“Kumusta ka na Xandro, nakita mo na ba ang babaeng hinahanap mo ha?” tanong naman ng isa pang kaibigan ni Xandro na nagngangalang Lester.
        “Hindi pa rin eh, subalit naniniwala ako na makikita ko rin siya baling araw,” sagot ni Xandro habang patuloy sa pagnguya ng kinakain niyang Shakey’s Pizza na bigay ni Roland sa kanya. At matapos niyang kainin ang pizzang ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan ay kaaagad siyang tumayo at nagpaalam sa mga ito. “Aalis na muna ako, maghahanap pa kasi ako ng panibagong trabaho para mabayaran ko na si Aling Lucy sa renta ko para sa buwang ito.”


       “Good luck Xandro,” sabi ni Roland at Lester sa kanya.