Chapter 3
           
               Sumakay si Zandro sa kanyang black motorycle at nagtungo sa palengke. Maingat siyang nagmaneho sa mga kalsada ng Makati. May nadaanan at nakasabay siyang mga magagandang sasakyang jeep. Makalipas ang ilang sandal ay narrating na niya ang palengke, tumigil siya at iginarahe ang kanyang motorsiklo sa isang tabi ng kalsada. Nakakaisang hakbang pa lang siya ng bigla siyang may makitang isang isang lalaking mabilis na tumatakbo at patungo sa kinatatayuan niya. May dala-dala itong mamahaling bag. Narinig ni Zandro ang sigaw ng humihingi ng saklolong babae.
             "Tulungan niyo ako hinablot ng lalakeng 'yan ang bag ko, snatcher, snatcher!" 
             Pagkalapit ng snatcher kay Xandro ay agad niyang inagaw mula sa tumatakbong snatcher ang mamahaling