kulay orange liwanag si Xander sa pagitan nila. Kaya mabilis na iniangat ni Xander ang dalawa niyang mga braso upang pigilan ang dalawang tila mag-uumpugang malalaking bola ng liwanag. Nagmistulang pinipigilan ni Xander na huwag siyang maipit sa dalawang nag-uumpugang mga orange na planetang umuusok nang bahagya. Subalit habang nakadikit ang kanyang mga palad sa gilid ng dalawang bola ng liwanag, naramdaman ni Xander ang hapdi ng ibayong pwersa na nagmumula sa dalawang tila mala-planetang mga pulang ilaw na bola. Nararamdaman niyang kinukulang ang angking niyang lakas para mapigilan ang mga ito na pasuin at ipitin siya sa gitna. Nanginginig na pareho ang mga palad ni Xander sa init na nararamdaman niya at sa lakas ng mga ito. Pero lumaban pa rin nang lumaban si Xander, ibinuhos niya