dito. Biglang nagkalas at humiwalay ang dalawang dambuhalang aliens na nakadikit sa kani-kanilang mga flying saucers. Sabay na lumipad ang dalawang dambuhalang orange na aliens papalapit sa nanghihina nang si Xander.
Napagitnaan nila si Xander. At mula sa dulo, mabilis na nagbuga ng malalaki at napakainit na bola ng 0range na liwanag bawat isa sa dalawang malalaking flying saucers. Dahan-dahan itong gumalaw at lalong lumalaki ang bolang liwanag habang palapit kay Xander sa gitna. Hanggang sa maging napakaliit na lang ni Xander sa tabi ng mga ito. Pinagmasdang mabuti ni Xander ang dalawang napakalaki at napakainit na bolang liwanag. Mula sa himpapawid , mabilis na gumulong ang mga ito papalapit nang papalapit kay Xander. Tila gustong tustahin ng dalawang dambuhalang