mabilis sa kung saan-saang direksyon para mailagan lang ang mga orange na liwanag. Nanghina si Xander matapos siyang matamaan sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan subalit ang balat niya ay hindi nasunog o nagalusan man lang. Pagkatapos ay muling pinunterya ng tatlong dambuhalang alien si Xander. Pilit na niyang iniwasang muli ang mga sumunod pang mga ilaw na ipinatama sa kanya. Subalit hindi na niya ito nagawang iwasan pa kaya tuluyan ng nanghina si Xander. Hindi na siya makakilos pa mula sa kanyang kinalulutangan sa himpapawid. Nakita ng tatlong muling nagdikit na alien sa dulo ng kanilang mga flying saucers na naghihina na si Xander sa sunod-sunod na tama sa buong katawan nito. Kaya lumipad pa sila ng mas malapit