ang lahat ng kanyang lakas upang pigilan ang mga itong tustahin siya sa kanilang pagitan.  Patuloy nang nanghina si Xander, at mas lalo pang nanginginig ang mga braso niya. Hanggang sa tuluyan nang mabitawan ni Xander ang dalawang dambuhalang bola ng liwanag sa sobrang pagod niya.  Naipit sa gitna ng dambuhalang liwanag si Xander. Napasigaw si Xander sa init na nararamdaman niya sa buong katawan.  Pilit siyang nagpupumiglas para makalipad papalayo sa mga ito.  Subalit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi niya nagawang takasan ang mga ito.  Nanatili siya sa gitna ng mga ito.  Halos hindi na makayanan ni Xander ang patuloy na pagpaparusa sa kanya.  Biglang naghiwalay ang dalawang nag-uumpugang bola ng liwanag palayo sa isa’t isa. Mabilis na bumulusok pababa si Xander. Nanghihinang sinikap ni Xander na lumipad pababa sa lupa. Nanatiling