bagong lutong fried chicken at spaghetti, maghintay lang kayo diyan at bibigyan ko kayong lahat," nakatawang pahayag ng hostage-taker.
               "Wow sarap naman nito, ang lutong-lutong nitong fried chicken ko!" sabi agad ng maliit na batang lalake na nakasuot ng isang magandang T-shirt.  
               "Naku ito talaga ang gusto kong lasa ng spaghetti medyo matamis nang kunti, ang sarap-sarap!" sabi ng batang babae na may dala-dalang stuff toy at malapit sa hostage taker.
               "O ayan nabigyan ko na kayong lahat, masaya ba mga bata ha?" nakatawang tanong ng hostage-taker.
               "Salamat po talaga manong, ang bait-bait niyo naman saka ang yaman-yaman pa!' hirit ng isa pang bata