habang nginungya ang masarap na fried chicken.
"Oo talagang mayaman ako, kaya kain lang nang kain at pag kinulang pa kayo, magsabi lang kayo okey, marami pang mango shake dito," sagot naman agad nito habang panay ang sulyap sa kanyang suot-suot na relo.
"May lakad po ba kayo manong ha at kanina pa kayo tingin ng tingin sa relo mo?" pansin ng isa pang bata.
"Hindi, bago kasi itong suot-suot kong relo kaya natutuwa akong pagmasdan," mabilis nitong sagot.
"Siguro po ay mamahalin iyang suot-suot mong relo, manong, ano?" mabilis na tanong ng isang bata dito.
"Malamang mayaman kasi iyong nagbabantay sa akin dati, hiniram ko lang kasi ito sa kanya pero ibabalik ko