Chapter 22
"Mga bata andito na ang hinihingi niyong mga pagkain, simula na ng ipinangako kong party para sa inyo!" pag-uumpisa ng nag-iisang hostage-taker.
"Yeheeey kainan na!"
"Sino ba ang humingi sa inyo nitong mga spaghetti?" ang tanong kaagad ng hostage-taker sa mga batang hostages.
"Ako po!" sagot ng batang nakaupo sa sofa sa living room ng malaking mansion.
"Ako din po"
"Ako din humingi rin po ako niyan!"
"Oo nga ano, humingi nga pala kayong lahat ng