iyong mga inutusan kong pulis para sunduin si Mayor. Saka nakausap ko na si Mayor kanina pa sa cellphone ko at nangakong pupunta agad rito para makatulong," sagot ng negotiator habang pilit na pinapahinahon ang lahat ng mga nag-aalang mga magulang.
             "Siguruhin mo lang na darating talaga ang mayor na iyan dahil pag may nangyaring masama sa anak ko mananagot kayong lahat sa akin!" pagbabanta ng isang galit na ama ng isa sa mga batang hinostage.
             "Opo sir relax lang po muna kayo, panigurado darating na si Mayor maya-maya lang, kaya maiwan ko na ho muna kayo sandali at pa-follow-up ko uli," sagot nito sabay talikod sa galit na galit na ama ng isang batang hinostage.