"Sandali, hulihin niyo si Robert, siya at sina Tita Esmeralda ang nagpakidnap kay Lynette!" nagmamadaling sigaw ni Veronica.
                "Asan na si Lynette Veronica?" mabilis na tanong ng lola ni Lynette.
                "Ligtas na po si Lynette, La at mukhang nailigtas na naman siya ni Xando," pagtataya ni Veronica.
                "Ha pangalawa na to ah," pansin ng lola ni Lynette.
                "Siguro'y dapat na nating pabayaan si Lynette, hayaan na natin siya kung saan siya liligaya. Mukhang mahal na mahal naman talaga nitong si Xando ang apo nating si Lynette. Hindi ko naisip na ipinagkatiwala pala natin ang ating pinakamamahal na apo sa isang kriminal," pahayag ng lolo ni Lynette na nakatitig kay Robert sa harapan nito