habang dinadala ng isang pulis papunta sa kanilang police car.
“Dadalhin na naming ang lalaking ito sa aming police station at sisiguruhin naming hindi kami matatakasan nito,” sabi ng pulis na napansin ang galit na pagtitig ng lolo ni Lynette kay Robert. Biglang nag-ring ang cell phone nito at makalipas lang ang ilang sandal ay ibinalik ito ang cell phone sa bulsa nito. “Kakatanggap ko lang ng tawag, nahuli na sina Esmeralda at Waldo ng kasamahan kong mga pulis. Isang taong niloko nila noon ang nag-report at ipinaaresto sila.”
Natuwa sa balita ng pagkakadakip nina Esmeralda at Waldo sina Veronica at ang mga lolo at lola ni Lynette at pagkatapos ay linisan na nila ang lugar na iyon.