Masayang-masaya sina Xander at Althea dahil muli na naman silang nagkasama. Nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang kanyang tagapagligtas na si Xander. Hindi siya makapaniwalang muli na naman silang magkapiling. Yinakap ni Xander si Althea. "Tayong dalawa na lang ang natira dito, siguro nama'y pwede na kitang mahalikan ngayon?" nakangiting tanong ni Xander sa pinakamamahal niya. Hindi sumagot si Althea bagkos ay niyakap lang nito si Xander at pinagmasdan ang mukha nito. Kaya dahan-dahang yumuko si Xander para mahalikan na sa wakas si Althea. Ipinikit naman ni Althea ang kanyang mga mata. Inilapit pa ni Xander ang kanyang sarili para tuluyan