Lynette habang pinapanuod mula sa himpapawid ang paghuli ng mga pulis sa mga goons nina Esmeralda at Waldo.
               "Mabuti naman pala at ligtas ka na at kasama mo pa pala talaga si Xando ha," biro nito sa kaibigan.
               "Si Robert, si Robert at sina Tita Esmeralda kasama ang asawa nito ang mga nagpakidnap sa akin, Veronica."
               "Baba ko na 'tong cellphone ko Lynette at titiyakin ko lang na mahuhuli si Robert ng mga pulis," mabilis na paalam ni Veronica.


                Nakita agad nito si Robert na pinakawalan pa ng isa sa mga rumesponding pulis sa pag-aakalang isa ito sa mga kinidnap ng grupo ng tumangay kay Lynette.