"Halika na Althea sumakay ka na sa train baka bumalik pa 'yon, siguro kasama 'yon sa mga gumawa ng masama sa mommy at daddy mo," sabi ng matandang babae na nahintakutan sa mga narinig.
"Halina kayo sakay, aalis na ang train papuntang Makati," yaya ng kadarating na lolo ng batang si Althea.
"Salamat ulit ha, sasakay na kami sa train maiwan na kita rito ha," sabi ng batang babae sa batang lalake. "Pagbalik ko galing America hahanapin kita rito ha, sana andito ka para magkita ulit tayo ha," pahayag ng bata habang naglalakad pasakay ng papaalis na train.
"Sigi hihintayin din kita rito pagbalik mo."
Pagkasakay ng train, mula sa may bintana, dumungaw ang batang babae at tinanong ang batang lalake. "Hoy ano