nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito habang paingay ng paingay ang train at unti-unting bumibilis ang takbo nito.
"Ako, ako si Damien, Damien!" sigaw ng batang lalake habang dahan-dahang hinahabol ang papaalis na train.
"Daman, Daman pala pangalan mo!" sigaw ulit ng batang babae.
"Oo Damien pangalan ko!" sigaw nito pabalik sa batang babae.
"Okey Daman, hintayin mo pagbalik ko!"
"Sigi hintayin kita pangako!"
Nang makaalis na ang train ay nanatiling nakaupo ang batang lalake at hinintay nang hinintay ang nawawalang tito.