mo naman isang sipa mo lang tumba agad ang masamang taong 'yon, nakakabilib ka naman, karatista ka siguro ano?" 
              "Hindi naman... nachambahan ko lang siguro. Baka hindi siya inaalagaan ng tito niya at hindi siya ibinibili ng vitamins, kaya bumagsak agad nang masipa ko kanina," pag-amin at pagbibiro ng batang lalake.  
              "Sino ba iyang kausap mo Althea ha, saka baket parang umiiyak ka ng kunti ha ano bang nangyari?" tanong ng kadarating na lola ng batang babae na tila walang alam sa nangyari dahil sa bilis ng pagkakaligtas na ginawa ng batang lalake.
              "May nagtangkang kumidnap sa akin kanina lola mabuti na lang at sinipa agad niya at nakatakas ako."