ang mabilis niyang paglipad at kung paano niya ibinaba ang malaking bus sa pamamagitan ng manipis na lubid.
Tumigil lahat ng mga customer sa kani-kanilang pagkain at tumutok na bigla sa bagong-bagong balita. Manghang, mangha sila sa videong kanilang pinapanood sa TV. Hindi sila makapaniwalang may taong napakalakas at nakalilipad at dito pa talaga nangyari sa Pilipinas. Ang iba sa kanila sa kanila ay nagpalakpakan sa kanilang mga nasaksihan.
Tapos itinuloy na ang interview ng babaeng reporter sa dalagang sinagip ni Xander. "Maari bang ikwento mo sa ating mga tagapanuod ang lahat ng mga pangyayari?" tanong nito sa taos-pusong nagpapasalamat na dalaga.