Chapter 11
Maya-maya binuksan ng isang customer ang TV sa isang sulok ng Carenderia. Pagkatapos ng commercial ng sabong pampaligo ay sumingit bigla ang isang News Update mula sa GMA 7.
"Nandito ako ngayon para kapanayamin ang isang maswerteng isang labing-walong taong gulang na magandang dalaga na iniligtas ng isang bagong bayani, isang taong napakalakas at nakakalipad, kaninang-kanina lamang," umpisa ng isang babaeng reporter.
Tapos ay ipinakita kaagad ang isang video na hinahabol at sinasalo ni Xander ang dalaga habang nahuhulog ito mula sa itaas ng skyway. Kitang-kita sa video