po M'am Veronica lalabas na ako."
             "Oo nga sinabi mo na iyan kanina," biro nito kay Xandro.
             Pagkalabas ni Xandro, pumasok siya sa isang restaurant malapit sa tindahan. Pagkatapos bumili agad siya ng fried chicken, kanin, gulay,  saka cola.  Matapos niyang makuha ang pagkain ay agad siyang pumuwesto sa isang bakanteng mesa.  Inilapag niya ang pagkain sa mesa, inilagay naman niya sa kanan ang cola.  Pagka-upo niya ay uminom muna siya ng kunting tubig. Medyo nagugutom na siya kaya nag-umpisa na siyang kumain at nagustuhan niya agad ito. Nagpatuloy siya sa kanyang pagkain at uminom mula sa kanyang baso ng cola habang nakatingin sa iba pang mga customer ng restaurant.