"Opo, gusto ko pong magbigay ng pahayag,” sabi ng taos-pusong nagpapasalamat ng dalagang si Melanie. “Nakasakay ako at ng aking mama kasama ng maraming pasahero sa isang malaking bus at bigla itong gumewang-gewang sa ibabaw ng skyway. Tapos bumangga ito ng malakas sa gilid ng skyway, tapos tumilapon ako mula sa aking kinauupuan palabas ng bus. Hindi ko alam kung paano pero nakakapit ako sa bakod nito. At pilit akong kumapit nang mahigpit na mahigpit para hindi ako mahulog. Pero napagod ako, sumakit ang mga kamay ko sa mahigpit kong pagkakakapit sa bakod ng skyway. At nang hindi ko na matagalan ay hindi ko sinasadyang mabitiwan ang aking kinakapitan. Tapos naramdaman kong nahuhulog ako nang mabilis pababa sa kalsada. Takot na takot ako, kaya pumikit