“Hindi Althea, hindi ako isang bampira. Tao rin ako. May mga pangil lang talaga ako. Subalit tumutubo lang ang mga ito sa tuwing gusto kitang mahalikan,” paliwanag ni Xander. “Mahal kita Althea.”
“Tumutubo ang mga pangil mo ng dahil sa akin, paano kung gusto mong humalik sa ibang babae?” tanong nito.
“Tutubo rin ito, subalit hindi mangyayari iyan,” paniniguro niya rito. “Ikaw lang ang gusto kong mahalikan, wala ng iba pa. Ikaw lang ang mahal ko sa mundong ito Althea.” Gusto niyang sabihin rito na ang halik nito ay makakatulong upang makuha niya ang buong kapangyarihang nakalaan para sa kanya, subalit pinigil niya ang sarili dahil batid niyang kinakailangan niyang makamtan