ang halik nito sa sarili nitong pagkukusa dahil pag hindi ay hindi ito tatalab. Subalit higit sa pagkamit ng buo niyang kapangyarihan, gusto niya lang muling makamtan ang pagmamahal nito. “Hindi ko rin alam na tinutubuan ako ng mga pangil. Nalaman ko lang din ito ng sinubukan kitang halikan sa estasyon ng train. Mahal na mahal kita Althea.” Hindi sumagot si Althea matapos ang lahat ng ipinagtapat ni Xander tungkol sa buo niyang pagkatao. Muli niyang tinawag ang pangalan ni Althea. Subalit hindi pa rin siya sinagot nito. Tinalikuran siya nito. Dahil sa pagkalungkot sa pagtalikod nito sa kanya ay lumipad paitaas si Xander at nanatili sa itaas ng bubungan nito. Nag-isip siya ng nag-isip kung paano niya muling mapapa-ibig si Althea sa kanya.