nakita ni Xander na nakaupo si Althea at nanunuod ng TV. Pinagmasdan niya ito habang seryosong nanonood ng paborito niyang teleserye sa GMa 7. Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko kaya lang baka pag tinawag ko ito'y matakot na naman sa akin. Nag-aalangan si Xander na magpakita kay Althea. Biglang lumingon si Althea at nakitang nakalutang na nakatayo si Xander sa labas ng kanyang malaking bintana. Tumayo agad ito at linapitan ang bintana, itinulak kaagad nito ang bintana para pagsarhan si Xander.
“Pwede ba kitang makausap, kahit sandal lang ha althea?” tanong niya mula sa labas ng bintana nito.
“Wala tayong dapat na pag-usapan pa,” sagot agad nito. “Alam ko na kung ano ka. Isa kang bampira.”