akong mamuhay nang mag-isa sa buhay.  Subalit dahil sa baon-baon ko ang pagmamahal at lahat ng mga pangaral ng Tito Eric ko ay nagawa kong itaguyod ang aking sarili.  Bilin sa akin noon na "Anak dapat lumaban ka sa buhay, mangarap ka, magsikap ka para makamtam mo ang iyong inaasam na tagumpay.  Tandaan mo ang lahat ng pag- tatagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap. Abutin mo ang iyong pangarap na wala kang inaapakan, kahit sino. Dapat maging patas ka at marespeto sa iyong kapwa.'  Maya-maya ay napansin naman ni Althea ang isang naglalayag na cruise ship mula sa malayo.  Napansin  ito ni Xander kaya agad niyang inilipad papuntang karagatan si Althea.  Habang lumilipad patungo sa karagatan ay lalong lumakas ang simoy ng hangin.  Maliwanag pa  rin ang gabi dahil sa malaking