buwan.  Pagkarating nila sa dagat ay agad na tumigil sa paglipad si Xander sa itaas ng cruise ship.  Nakita nila ang napakaraming pasaherong masayang nagkwekwentuhan, kumakain  at umiinom ng kung anu-ano.  Napakagandang pagmasdan nito na napapalibutan ng maraming maliliit na mga ilaw.  Matagal pinagmasdan nina Xander at Althea ang napakagandang cruise ship.  Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng isang malumanay na musika mula rito.  Isang musikang kadalasang isinasayaw ng mga mga mag-sing-irog.  Napansin ni Xander na nakangiting pinagmamasdan ni Althea ang mga binata at kadalagahang sumasayaw sa loob ng barko.  Kaya mula sa himpapawid ay pabulong na tinanong ni Xander si Althea ng, "Gusto mo bang sumayaw Althea?" Tumango lang si Althea at nginitian si Xander.  Lalong