Chapter 18

              Napansin ni Xander na may luhang nangingilid sa mga mata ni Althea kaya niyakap niya itong muli.
              "Alam mo Althea mabuti ka pa nga dahil nakita mo at nakasama mo ang iyong mga magulang.  Samantalang ako wala na akong matandaan na kahit ano tungkol sa kanilang dalawa.  Namulat akong kapwa wala na sila sa aking piling. Pero ganon pa man, hindi naman ako pinabayaan ng Diyos dahil ibinigay naman niya sa akin ang mahal na mahal at napakabait kong tito, si Tito Eric.  Natatandaan mo pa naman siguro nang una tayong magkita, nagkahiwalay kaming dalawa nang papunta na kaming Maynila.  Kaya napilitan