aalang pahayag ni Althea.  
             Mabilis na kumilos si Xander agad niyang inilipad pababa at palayo si Althea sa mga bagong dating na dambuhalang mga aliens. Binilisan ni Xander ang kanyang paglipad pababa. Pagkababa nila sa lupa agad niyang pinatago si Althea sa isang ligtas na lugar.  
            "Xander tumakas na lang tayo, nakakatakot ang mga iyan baka kung anong mangyari sa 'yo..." 


             "Dito ka lang ligtas ka dito, susubukan kong kausapin ang mga ito para malaman ko kung ano ang pakay nila sa mundo natin," sagot ni Xander sa nag-aalalang si Althea.  Nagkubli si Althea at mabilis na lumipad paitaas si Xander.