Chapter 35
Lumipad siya nang mabilis palapit sa tatlong dambuhalang aliens na ang kalahating katawan ay malalaki at makikintab na mga flying saucers. Agad siyang tumigil malapit sa harapan ng mga ito. Napakaliit ni Xander sa kanilang harapan. Pinagmasdan niyang mabuti ang mga aliens, hinintay kung ano ang kanilang gagawin. Pero nanatiling nakatigil ang mga ito sa kalawakan at pinagmamasdan lang siya. Sinubukang kausapin ni Xander ang mga ito subalit hindi pa