bawat isa, sa dulo at paikot, ang makikinang na tatlong Flying Saucers. Napapalibutan ang mga ito ng mga kulay orange na ilaw. Tumigil ang mga ito malapit sa kinaliliparan nina Xander at Althea. Nagulat si Althea sa kanyang mga nakita, napayakap siya nang mahigpit kay Xander sa labis-labis na takot na naramdaman niya para sa mga aliens. Pinakikiramdaman ni Xander kung ano ang pakay ng tatlong dambuhalang Flying Saucers. Nanatili itong hindi kumikilos sa himpapawid, tila nakikiramdam din sa gagawin ni Xander.
"Anong gagawin natin ngayon Xander, ngayon lang ako nakakita ng mga iyan. Ano kaya ang pakay nila dito sa ating mundo. Natatakot ako na baka gusto nilang sakupin ang ating mundo at lipulin tayong lahat na mga tao," nag-