Chapter 15
Napansin ni Xander na bukas ang mga ilaw sa loob ng kanyang kwarto. Dahan-dahan siyang lumipad papasok. Nadatnan niya ang nakaupong si Eric. Napansin kaagad ni Eric na may dinaramdam si Xander. Hinintay ni Eric na kusang magsalita at magtapat sa kanya si Xander. Pinagmasdan niya itong mabuti habang dahan-dahan itong lumalakad palapit sa kanya, pero imbis na umupo sa harapan niya nagtuloy ito sa may bintana. Nanatiling nakatayo at nakadungaw si Xander, malalim ang iniisip.
"Tito wala ka bang iba pang gustong ipagtapat sa akin,