habang patuloy nitong binabaybay ang mahabang kalsada. "Anong nangyayari sa akin, baket nagkaganito, baket ako biglang tinubuan ng mga pangil?" pagtataka ni Xander. Tapos ay nagdesisyon siyang iwanan na ang sinasakyang kotse nina Althea at lumipad pabalik sa bahay ng kanyang Tito Eric. Kailangang magka-usap agad kami ng tito ko. Kailangang ipaliwanag niya sa aking kung ano itong nangyayari sa akin. Unti-unting naramdaman ni Xander na nawawala na ang kanyang mga pangil. Hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho at hindi na niya maramdaman pa. Binilisan ni Xander ang paglipad pabalik sa bahay ng kanyang Tito Eric.