maliban sa nailahad mo na dati pa tungkol sa totoo kong pagkatao?" mahina at malungkot na tanong ni Xander sa kanyang Tito Eric.
           "Kung ganoon naganap na ang nakatakdang mangyari sa 'yo..." umpisa ni Eric.  "Sinubukan mo bang halikan si Althea sa muling pagkikita niyong dalawa, ha Xander?"
            Mula sa bintana, humarap si Xander kay Eric.  "Opo tito... at... bigla na lang nahimatay si Althea sa harapan ko.  Pero bago siya nahimatay nabanaag ko ang matinding takot sa mukha niya habang pinagmamasdan ako.  Napasigaw si Althea nang malakas sa malabis na pagkatakot sa kanyang nasaksihang pagbabago sa akin. Natatakot sa akin ang pinakamamahal kong si Althea..." mahinang paglalahad ni Xander.