Xander. Kaya sinubukan namang patamaan ni Xander ang flying saucer na malapit sa kinaliliparan niya. Tinamaan agad ang flying saucer sa gitna ng unahang bahagi nito. Agad itong umusok at nasira. Natuwa si Xander dahil tinablan ito ng asul na liwanag mula sa kanyang dibdib. Ngunit laking gulat ni Xander nang bigla na lang itong bumalik sa dati na parang walang ano mang nangyari. Pinagtawanan muli si Xander ng sabay-sabay ng tatlong aliens.
Kaya muling inulit ni Xander ang pagpapatama sa tatlong flying saucers na nakadikit sa kalahating katawan ng mga kulay orange na aliens. Pinaulanan niya na ang mga ito ng pagkarami-raming green na liwanang. Tinamaan ang mga ito sa kung saan-saang bahagi ng mga flying saucers habang iniikutan ni Xander ang tatlong aliens sa himpapawid.