Biglang may lumabas na puting liwanag mula sa dulo ng isang flying saucer at pinuntirya kaagad si Xander. Kumabig pakanan si Xander at mabilis niya itong naiwasan.  Naglabas naman ng dilaw na liwanag ang isang alien mula sa dulo ng nakakabit nitong flying saucer.  Muntik mahagip si Xander.  
               Agad na lumapit ng bahagya si Xander sa tatlong dambuhalang alien.  Huminga siya ng malalim, ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad sa kanyang tagiliran, agad na lumabas ang green na liwanag.  Pinuntirya kaagad ni Xander ang pinakamalapit na alien.  Pinuntirya niya ito sa noo.  Mabilis itong umiwas kaya nahagip ang pangalawang alien. Subalit ni hindi man lang ito nagalusan, parang kiniliti lang pangalawang alien.  Pinagtawanan lang si