"Kuya Xander ang gara ng porma natin ngayon ah," pansin ni Tonton sa bagong pinsan.
"May babae ka bang nagugustuhan sa pinagtratrabahuan mo ha Xandro?” tanong ng tito niya sa kanya.
“Opo tito mayroon nga po, gustong-gusto ko talaga siya. Sana ay magustuhan din niya ako,” sagot niya kay Eric.
“Huwag kang mag-alala Xandro; sigurado akong magugustuhan ka rin niya. Minana mo yata ang kapogian at karisma ng daddy mo,” sabat ng uncle niya. “At kayo naman mga bata, makakita ba ako ng matataas na mga grado sa