report cards niyo buwang ito ha?”
“Opo dad, ang totoo po’y pinuri po kami ng aming teacher kahapon dahil nanguna po kami sa huli naming pagsusulit,” masayang sagot ni Rap-rap sa kanyang ama.
“Totoo po iyan dad, nakakuha po kaming dalawa ng parehong perfect scores,” sabi ni Ron-ron sa ama nito.
“Mabuti naman, napakasaya kong nasa akin ang pinakamatatalinong kambal na hinihiling ng kahit sinong ama,” nakangiting sabi ni Eric at puri sa mga kambal na anak nito.
“At pareho kaming proud na proud sa inyong dalawa. At ngayon ang gusto ko’y tapusin niyo na ang agahan niyo para makapasok kayo ng maaga sa araw na ito,” sabi ni Cristina na kararating lang dala-dala ang piniritong ham,