wala sila sa pinangyarihan ng lahat dahil gusto rin nila sanang napanood ito sa malapitan.  "Naku kung nalaman ko lang na may nakitang taong lumilipad kanina sa labas ay hihingi talaga ako ng permiso mula kay Ma’am Veronica pagkatapos ay tatakbo kaagad ako para mapanood ko din siya,” sabi ng isang excited na Saleslady.
          "Ganon, pag nakita ulit si Super Xander na lumilipad sa himpapawid, hindi mo na kailangang humingi pa ng permiso dahil sama-sama tayong lalabas papunta roon, maliban sa guard natin siyempre,” mabilis na pahayag ni Veronica sa limang Saleslady tapos ay nilapitan si Xandro. 
          "Napanood mo ba ang balita ha Xandro?  May tao raw