na nakakalipad ang nakita dito sa Pilipinas, napakalakas daw nito at nakayang buhatin ang isang malaking bus habang lumilipad."
"Opo napanood ko nga sa Carenderia kangina habang kumakain ako, hindi nga ako makapaniwala eh," atubiling sagot nito.
"Totoo talaga 'yon kasi marami ring naka-upload na video nito sa internet at talaga namang ang taas-taas ng hits at mga views nito. At maging sa iba't ibang bansa ay sinisimulan na rin itong ibalita sa mga oras na ito," dagdag pa ni Veronica. "Si Lynette kaya nakita rin kaya ito... Sigi maiwan na kita at tatawagan ko si Lynette at tatanungin kong napanood niya rin ito.
Nang mabanggit ang pangalan ni Lynette ay hindi