taong iyon palabas. Pero na-realize naming kayang-kaya mo naman siya kaya nagpatuloy na lang kami sa pagtratrabaho,” sabi ng isang Saleslady kay Veronica habang umiinom ng cola.
“Gustong-gusto ko talagang kumakain ng hamburger at umiinom ng cola habang nanonood ng magandang sini,” sabi ng pangatlong Saleslady.
“Ako din… gusto ko ring kumain ng burgers having nanonood ng sini,” pagsang-ayon ni Veronica.
"Oy Xandro sumalo ka na rin sa amin sa pagkaing pinamili mo kanina," yaya ni Lynette kay Xandro.
"Salamat," nakangiting sagot ni Xandro kay Lynette. Tapos ay umupo siya sa tabi ni Lynette.