“Mabuting magkatabi kayong nakaupong dalawa Lynette, Xandro para masanay kayo sa isa’t isang magkasama. Baka sakaling makombinsi niyo na si Robert na talagang nagmamahalan kayong dalawa. Siguro, sa ganitong paraan ay mauunawaan ni Robert na wala talaga siyang maasahan sa iyo Lynette kaya dapat maghanap na lang siya ng ibang babae,” dagdag pa ni Veronica. "Guard mabuti pa kumain ka na rin at alam ko namang gustong-gusto mo ng ice cream, napakasarap talaga nito.”
              "Totoo po iyan Ma’am Veronica gustong-gusto ko po talaga ng ice cream!” ang mabilis na sagot ng gwardiya habang nakatayo sa kanyang pwesto.