"Ang sarap talaga nitong bagong lutong potato fries, pabibili ulit ako nito bukas sa mommy at daddy ko," sarap na sarap namang sabi ng batang uminom ng gatas na nilagyan ng tsokolate kaninang umaga.
"Wow naman may katakam-takam na spaghetti pa talaga, paborito kaya naming lahat magkakapatid 'to lalo na ng Tito kong pogi," dagdag pa ng batang panay kumain ng ice cream tuwing snacks sa school.
“Mabuti naman at mayroon tayong mga hamburger, paborito ko talaga ito, ang sarap-sara kasi talaga nito lalo na pag may kasabay na malamig na malamig na cola," sabi ng isa pang bata na may bitbit na PSP at may isang puzzle at mga educational toys sa kanilang bahay na kabibili lang din.