"Oo maraming-marami kami roon, saka ang dami-dami ring empleyado, lampas 50 saka lahat unipormado, pati nga ako at ang mga kasama ko sa malaking bahay nakauniporme din," natatawang sagot ng hostage-taker.
"Ang galing naman pala...”
“Tuloy niyo na muna ang pagkain niyo, iyang mga halo-halo naman ang kainin niyo, masarap ang mga iyan may ice cream pa sa dulo," pahayag uli ng medyo naiinip ng hostage-taker.
"Ang lamig at ang sarap-sarap talaga nitong vanilla sundae, ito talaga ng binibili sa akin ng mama at papa ko tuwing lalabas kami," takam na takam na sabi ng batang nakasuot ng puting rubber shoes.