napili niyang pintura. Inihatid ni Eric gamit ang kanyang sasakyan ang dalawang kambal sa kanilang eskwelahan. Habang nakangiting pinagmamasdan ni Zandro ang kanyang mga nakababatang mga pinsan sa loob ng papaalis na white car ay sumakay ito sa kanyang black motorcycle. Sa kalsada ay nadaanan niya ang maraming mga sasakyan at isang jeep na ang karamihan sa mga pasahero ay nakasuot ng mamahaling T-Shirts at ang ilan ay may leather wallets. Nang marating niya ang Greener Pasture Appliance Center ay kaagad niyang iginarahe ang kanyang motorsiklo sa harapan at kanang bahagi ng Appliance Center. Bumaba siya sa motorsiklo at pumasok sa loob ng tindahan. Nalaman niyang wala pa rin si Veronica at Lynette. Naupo na muna siya sandali. Maya-maya ay dumating na si Veronica. "Xandro mabuti't nandito ka na pala," sabi ni Veronica.
"Good morning po M'am Veronica," salubong agad ni Xandro.
"Good morning din, siyanga pala, itong bagong cellphone sa 'yo na 'to, para matawagan kita kung may