allowance niyong dalawa mga bata,” sabi ni Eric habang kinukuha ang leather wallet nito mula sa bulsa ng bagong jeans nito.
“Salamat po dad!” masayang-masayang sabi ng dalawang bata.
"Ma, ano bang inilagay mo sa lunch box namin ni Ron-ron?" tanong ni Rap-rap.
"Ano pa eh di 'yong dati, sliced bread na nilagyan ko ng bacon at cheese, chocolate filled biscuits, saka orange. Bumili na lang kayo sa canteen ng pang-lunch niyo, dapat may gulay din hindi poro karne na lang ha."
"Opo," sagot ni Rap-rap at Ron-ron na parehong bago ang mga relos.
Naiwan si Cristina sa bahay na pinaganda ng