ng nagwawalang hostage-taker habang patuloy na umiiyak ang kaawa-awang bata.  Iniiangat agad nito ang hawak-hawak na kulay green na baseball bat at umakmang papaluin ang nagpupumiglas na batang lalake, kaya mabilis na kumilos si Xander. Agad niyang pinuluputan ng manipis na lubid ang kamay ng hostage taker at hinablot ng mabilis paatras, tumilapon agad at natumba paatras ang hostage-taker at nabitawan ang hawak-hawak niyang kulay green na baseball bat.  Mabilis na tumakbo naman agad papalayo ang batang lalake.  Sinubukan nitong muling damputin ng hostage-taker ang kulay green na baseball bat sa malapit gamit ang kanyang kaliwang kamay.  Kaya mabilis na muling hinablot paatras ng manipis na lubid ang hostage-taker pagkatapos ay agad itong pinuluputan sa dalawang mga braso at buong katawan nito. Galit nag alit na