nagpupumiglas ang hostage-taker para makawala sa pagkakatali sa naka-camouflage na manipis na lubid. Subalit masyadong mahigpit ang pagkakagapos ng lubid sa katawan niya. Dahan-dahang napagod ang hostage-taker sa kanyang pagpupumiglas para makawala mula sa kulay puting manipis na lubid.
“Pssst… tahimik matutulog kami ng mahal kong anak. Tahimik… tahimik…” sabi niya sa mga bata sa pagod at inaantok na niyang mga mata. Nakatulog na sa wakas ang hostage-taker at marami sa mga bata ang dahan-dahang kumalma at tumahan sa pag-iyak. Hindi pa rin nila masyadong nauunawaan kung ano ang nangyayari at kong sino ang nagligtas sa kanila mula sa itaas at labas ng malaking kulay green na mansion.