naging tuwid at mahabang liwanag at agad na nagtuloy-tuloy sa itaas at gitnang bahagi ng mansion. Tumama agad ito sa bubungan ng malaking mansion.  Ilang iglap lang ay mabilis itong nabutas, ni hindi nga ito naglikha ng usok o ingay man lang. Tapos ay bigla ring naglaho ang kulay green na liwanag at agad na pumalit at lumabas mula sa itaas at gitna ng dibdib ni Xander ang manipis at kulay puting lubid.  Nagtuloy-tuloy agad ito papunta sa maliit na butas ng bubong at kisame at mabilis na pumasok dito.  Pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng second floor ng malaking mansion ay kusang napapikit ang mga mata ni Xander habang nakalutang sa itaas at labas ng malaking mansion.  Nabigla siya sa kanyang natuklasan, nakikita na niya ngayon ang loob at mga kagamitan sa loob ng second floor ng malaking mansion. Bumaba ang manipis na puting lubid at nagtungo papunta sa may hagdanan. Tumuloy pa ito at nagpunta sa kisame ng magarang living room sa loob ng malaking mansion sa ibaba.